Si Violeta Doliente o “Sis. Violy” sa nakararami, ay dating OFW at ngayon ay isang GFC (Global Filipino Center) Volunteer sa United Methodist Church – Anulid sa Alcala, Pangasinan. Ito ang kanyang #KwentongGFM.
Dati akong OFW during my single days at do’n ko na rin nakilala ang kauna-unahan at nag-iisang boyfriend na eventually napangasawa ko. Galing kami sa isang company pero magkalayong branch. Nung umuwi na kami ng Pilipinas for good, nag-offer muli ang company na bumalik kaming pareho sa magkaibang branch. 2015 ‘yon at that time, apat na ang anak namin kaya ayoko na bumalik.
Sa ngayong 2020, 5 years na siyang nasa Taiwan (Zig-sheng Textile Comp). Mahirap sa part ko dahil solo ko na dinidisiplina ang mga bata. Hanggang maaari ayaw ko siyang nag-aalala kaya hangga’t kaya na ‘wag nya mlaman kung ‘di rin naman kabigatan ang problema, ‘di ko na pinaaalam. Mula nung nag-Taiwan siya nabayaran namin ‘yong mga utang namin. Dati kasi puro utang ang pangtanim nmin sa bukid. Pero ngayon naranasan din namin ang kami naman ang magpautang para pangtanim din ng ibang kaanak.
Nakilala ko ang GFM thru Serbisyong OFW ng 702 DZAS, FEBC Radio. Ang talagang motibo ko no’n malaman ko ang mga right and benefits sakin ng mga Government agencies. Naging curious ako sa mga seminars at training under GFM. Family M101 lahat yun involved kaming mag-asawa dahil shini-share ko sa kaniya yung mga notes ko. Natuwa siya kasi lalo akong na-equip na dapat pahalagahan ang bawat pinapadala niya. BBKD training, ‘di pa naman applicable sa aming pamilya pero pagkatapos ng training naramdaman ko yung concern din sa iba. Nung una ayaw kong ma-involve dahil ang concern ko lang namn talga ay ‘yong family ko.
Habang napapag-aralan ko yung Family M101 manual ko, may conviction na dapat ma-involve ako. Dahil mismong sa church pla namin, kamag-anak ng mister ko, at mga kakilala ay may nangangailangan pala ng PAG-ASANG mula sa DIOS. Habang nagiging connected ako sa GFM yung conviction patuloy pa rin. No’ng una, sabi ko, yung Pastor ko ang dapat ma-involve dahil may soul care. Kaya lang, dahil sa mga GFM training at seminar dapat pala maging KATUWANG at KAPARTNER ako ni Pastor sa OFW Ministry.
Target din namin mag-asawa na until 2021 lng ang kontrata ni mister sa TAIWAN. Pero dahil sa pandemic, affected talaga yung financial needs namin at nabwasan ang savings. Four months na-short ang budget, COVID-free ang TAIWAN pero ang local at import products nila ay apektado. Dahil doon double-minded si mister na mag-extend pa. Pero dahil walang kasiguruhan ang mundo, talgang decided na ko na tapusin niya na until 2021 ‘yong kontrata. Dahil mas mahalaga talaga na magkasasama na kami habang malakas pa kami pareho at mararamdaman niya pa ang teenage years ng mga bata. Ngayon pa ba kami matatakot, ‘di man kalakihan ang savings pero at least ngayon UTANG FREE na kami. Yung EE Quick Share natin ngayon lalo akong naniniwala na kailanman WALANG ANAK ng DIYOS na namamalimos.