Dalawang taon silang nag-live in, ngunit nakakilala sa Panginoong Hesus ang seaman niyang husband at pag-uwi niya noong 2013 ay nagpakasal sila, ngayon ay siyam na taon na silang magkasama. Naimbitahan sila sa God is Sovereign Church (GISAG) at dahil may OFW Ministry roon ay nagpapatuloy sila.

Ann with the MMTSM representatives at the GFM Office during a training in 2015.

May epilepsy ang asawang babae, si Ann, kaya nagsi-seizure kadalasan. Sa awa ng Diyos active siya sa OFW ministry sa GISAG at natutong tumibay sa mga Discipleship na dinadaluhan. Hindi lang siya active sa OFW ministry kundi pati rin sa PWD Organization ng San Mateo kung saan nagagawa niya ring magbahagi ng Salita ng Diyos kahit may karamdaman.
MMTSM Coordinators (including Ann) with CCT San Mateo and Rodriguez Facilitators during their Annual Assembly.

Ngayon dalawa na anak nila at malaking bagay ang OFW ministry sa kanilang spiritual life. Dahil involved siya sa OFW Ministry, qualified siyang mag-loan sa CCT (Center for Community Transformation na partner din ng GFM). Isang malaking tulong lalo na sa panahon ng pandemia, tulong para makabili ng gamot at ng kanilang mga pangangailangan habang hindi pa muling nakapagtatrabaho ang kaniyang asawa.
-Pastora Terry Broqueza, GFM Church Partnership Staff