A story of Rizza, as written by Ptr. Dennis Diamante
Filipinos are known to be a gentle, compassionate and forgiving people.  These, along with other traits like being friendly, adaptable and hard-working makes them a preferred nationality among overseas contract workers.  We are also a people with no history of aggression—a number of times conquered, many times exploited, but a thousand times we also demonstrated courage and heroism in the midst of adversity.
Si Rizza Marie B. Manzanilla dumating sa GFM Office noong June 20 na may sling sa kamay, magâ ang bahagi ng mga daliri at, sa salaysay niya, kumikirot pa.  Buong akala ng mga staff na eto na naman ang isa pang kaso ng pagbubugbog sa OFW ngunit kakaiba ang kuwento ni Rizza.    Oo, galing siya sa Riyadh, Saudi Arabia ngunit hindi ito gawa ng kanyang amo.
Si Rizza, isang single mother, ay na-deploy noong September 5, 2017 sa parehong agency na matatagpuan sa Agoncillo St. sa Malate, Manila na nagpaalis sa kapwa niya OFW na si Mary Jane Agulto na ang istorya ay nasalaysay din ng GFM. Kapwang taga-Nueva Ecija din sila ngunit si Rizza ay taga Fort Magsaysay sa Palayan City. Kapwa din silang natulungan ng GFM para ma-repatriate.
Namasukan siya sa isang mag-asawang arabo sa Riyadh na ang babaeng amo ay buntis pa. Ngunit pagkatapos lamang ng limang araw nagreklamo na ang asawang babae at gustong ibalik sa employment agency si Rizza.  Ang reklamo: mabagal daw siya at walang imik.  Ayon naman kay Rizza nagtatrabaho naman siya ngunit dahil hindi niya maintindihan ang lingguwahe nila, hindi niya kaagad nagagawa ang hinihingi nila.
Nahanapan naman siya ng counterpart agency doon ng bagong “employer” at natagpuan na lamang niya ng kanyang sarili na nasa bahay ng mag-asawang may anim (6) na anak na ang pinakabata ay limang taong gulang at isang matandang babae na c nanay pala ng kanyang bagong “bābā”.  Sa liit na halos 5 feet pinilit ni Rizza na gawin ang trabahong bahay.  Dalawa sa mga inalagaan niyang bata actually ay mga teenager na kaya ma madalas natutuon ang kanyang pag-alaga sa apat na mga bata at sa pag-asikaso sa pangangailangan ng lola nila na isang diabetic. Kaso nga lang, maliban sa batang sanggol na babae, matindi ang naranasan niyang pagbu-bully ng tatlong lalaking paslit.  Minsan siya ay pinaglalaruan o ginagawan ng prank katulad ng patayan ng ilaw,  i-lock sa comfort room.  Matitiis pa niya ang batuhin ng unan ngunit nang batuhin siya ng bote at iba pang matitigas na bagay dito na siya nagagalit at sa huling pagkakataon doon na niya nasuntok ang pintuan ng bahay na ikinasira naman nito.   Kuwento niya, nandilim daw ang kanyang paningin noong araw na iyon ng Mayo sa sobrang galit sa mga bata at, imbis na sila ang kanyang masaktan (na kung ginawa niya ay puwede siyang makulong) ibinaling na lang niya sa pinto ang lahat nang namumuong emosyon na meron siya.  Dahil doon may mga ugat siya sa kanang kamay na napatid ayon sa doctor na tumingin sa kanya. Kinailangang operahan ang kanyang kamay at tahiin ang bahagi na napunit at nabugbog.  Tatlong beses siya inilipat ng ospital bago siya naoperahan.
Tatlong araw namalagi sa huling ospital si Rizza bago siya na-discharge.  Nang bahagyang gumaling na ang mga kamay ni Rizza, pilit siyang pinagtatrabaho ng kanyang amo hindi man lang isinaalang-alang ang kanyang maselang kalagayan.  Kanan ang ginagamit ni Rizza na pangtrabaho at pansulat kaya paano niya magagampanan ang dati niyang trabaho?  Noong May 11, tatlong linggo pagkatapos ng kanyang operasyon,  sinampal pa siya ng kanyang among lalaki dahil hindi niya daw inaasikaso ang kanyang nanay.  At nung sa tingin nila na hindi nila mapakinabangan ng husto si Rizza sa bahay idinelay na nila ang kanyang sahod.   Actually, sa simula pa lang, sabi ni Rizza, hindi na siya binibigyan ng nararapat sa kanya katulad ng libreng personal necessities like toiletry at load o karapapatang makatawag sa pamilya.  Dahil sa nakita ni Rizza na mahirapan siyang magtrabaho sa ganitong kalagayan at sa pagkakait sa kanya ng ‘bagong amo’ ng karampatang pasuweldo nakiusap na siya ay pauwiin na lang ngunit hindi sila pumayag.
Nang malaman ng kapatid niysng si Salvacion o Sally Torres ang kanyang sinapit inilapit nila ito sa ating GFM Help Desk Director na si June Inabayan.  Kagaya din sa kaso ni Mary Jane Agulto, ang kababayan nilang si Leonida Alejo, ina ng isang nabiktima ng illegal recruiter, ang nagpakilala rin sa kanila tungkol sa serbisyo ng GFM.  Sa pamamagitan ng ating Help Desk napaabot ni Ms. June sa POLO Riyadh ang kalagayan ni Rizza at nakahingi ng repatriation order.  June 14, hinatid si Rizza ng taga agency at POLO sa airport upang ma-repatriate sa Pilipinas.  June 15 masayang ibinalita ni Ms. June sa GFM na nakauwi na si Rizza at makakapiling na niya ang naiwang niyang anak na babae.
Sa kasalukuyan, nilalakad na ni Rizza Marie Manzanilla ang kanyang kaso laban sa agency at orihinal na amo na nagpadala sa kanya sa Saudi Arabia. Kabilang sa kanyang iki-claim ay ang katumbas na 24 months na pasuweldo na dapat niyang tanggapin na nagkakahalaga ng US$400 bawat buwan ayon sa kontratang pinirmahan niya at ng tunay niyang principal kahit na siya ay inilipat ng amo ng agency.   Inaasikaso na rin niya na matanggap ang mga benepisyo at tulong na galing sa OWWA.  Sa dagdag na kaalaman tungkol sa tulong na maaring matanggap ng isang distressed worker, pumunta sa http://www.owwa.gov.ph/?q=content/assist-well-program.
Magiging kasama ni Rizza ang GFM hangga’t sa makamit niya ang kanyang inaasam.  May kasabihan na “The hand that rocks the cradle rocks the world.”  Sa katayuan ni Rizza “the hand that rocks the cradle, the hands that once helps and serves (here and abroad) has been hurt but her heart continues to beat for her daughter and loved ones.”  And OFWs the likes of Rizza need a helping hand from us who even call them “Mga Bagong Bayani”.   We are glad we at GFM can lend a helping hand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *